Maraming nagsasabi na hindi pwedeng kumita sa anumang uri ng sugal—at marahil sila’y tama. Bagaman may mga uri ng sugal kung saan ang mangilan-ngilang indibidwal ay nagagawa ito hindi lamang bilang libangan, ngunit isang libangang mapagkakakitaan.
Sa Pilipinas, ang basketbol ang numero unong palakasang pinupustahan ng milyun-milyong Pilipino sa pamamagitan ng mga website o sports betting app kabilang ang https://20bet.asia/. Kaya hindi dapat ikagulat ng sinuman na may mga propesyonal na pinagkakakitaan ito. Ating talakayin ang mga paraang ginagamit ng mga ito upang magkaroon sila ng bentahe sa pagpili ng pupustahang market.
Estratehiya

Ang isang solidong diskarte sa pagpupusta ay mahalaga upang pagkakitaan ang pagpusta sa basketbol. Isa dito ang pagtukoy ng mga trend o regla kung tawagin sa salitang manunugal.
Halimbawa, ang kopunan ng Denver Nuggets ay nag-a-average ng 120 puntos sa kanilang huling apat na laro habang tumitira ng 51.4% bilang kanilang field goal percentage. Isa itong perpektong ehemplo ng isang kopunan na dapat sundan sa kanilang susunod na mga laro hanggang bumalik sila sa kanilang karaniwang average. Walang anumang kopunan ang kayang sustentohan ang ganitong antas ng pagkilos para sa mahabang panahon, kaya mahalagang huminto kapag bumagsak na ang mga numero.
Sa kabilang dako, pagpalagay natin na ang Los Angeles Clippers ay 0-21 kontra ang mga kopunan mula sa Eastern Conference. Isa naman itong halimbawa ng isang kopunan na pwedeng kontrahin kapag may kalaban silang kopunan mula sa naturang conference.
Diskarte sa live o in-play na pagpusta

Marami nang mga online casino at sports betting app ang naghahatid ng live o in-play na pustahan—at isa ito sa mga diskarteng ginagamit ng mga propesyonal upang umani ng kita. Ating talakayin ang mga diskarteng ginagamit nila sa sumusunod na mga talata.
Pagpusta sa kopunan na tinambakan ng kalaban tuwing halftime
Isang popular na estratehiya sa live na pagpusta ay ang pagpusta sa isang kopunan na naghahabol ng malaking kalamangan tuwing half-time, katulad ng Asian Handicap na pumapabor sa kopunang naghahabol na may malaking + (+9, +10, at iba pa). Ito ay dahil tiyak na susubukin nila itong habulin.
Halimbawa, pagpalagay natin na ang Blackwater Bossing ay tinambakan ng San Miguel Beermen ng kinse puntos sa halftime kung saan ang Beermen ay tumitira ng 60% FG at ang Bossing ay tumitira ng 33%. Maganda ang tsansa na hindi masusutentuhan ang antas ng pagkaasintado na ito para sa kahabaan ng laro, kaya pwede silang kontrahin. Pagpalagay natin na ang Blackwater Bossing ay binigyan ng +15 na Asian Handicap sa halftime, at pagpalagay natin na ang average ng Bossing sa kabuuan ng season ay 48%. Magandang pustahan ang posibilidad na habulin ng Blackwater ang kalamangang ito upang ma-cover.
Pagpusta sa llamado tuwing ang kalaban nila ay karaniwang natatallo
Ang llamado kung tawagin ay ang isang kopunan na madalas manalo at maganda itong pustahan kapag kalaban nila ang isang kopunan na may talunang rekord. Lamang sila sa odds at sa plus dahil sa kanilang husay, kaya maraming propesyonal ang mahilig pumusta sa lyamado mapa-live man o mapa-parlay.
Pagpusta sa over/under batay sa istatistika
Kung ang karaniwang total na puntos ng Boston Celtics laban ang Atlanta Hawks ay 212.8, at ang total na puntos sa halftime ay 90 o pababa, dapat pustahan ang over dahil batay sa istatistika, ang dalawang kopunan ay karaniwang umiiskor ng mas madami sa second half. Huwag kang matakot kumontra sa merkado sa mga sitwasyong ito sapagka’t pwede itong mapagkakitaan.
Buod

Kinagigiliwan ng maraming Pilipino ang basketbol – at isa ito sa pinakakinagigiliwang larong pinupustahan sa bansa. Marami itong hatid na mga pagkakataong kumita batay sa iilang mga aspektong sinusundan ng mga propesyonal – at kung pumupusta ka sa basketbol na nais kumita, ito ang mga diskarteng maaari mong isama sa iyong mga estratehiya para kumita.